^

Bansa

Transport sector malaki na ang lugi

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Transport sector malaki na ang lugi
Pabor naman ang LTFRB sa ipapatupad na limitadong pasahero upang matiyak na magkakaroon ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan sa pagbabalik ng operasyon ng mga ito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Malaki na ang nalulugi ng sektor ng pampublikong transportasyon sa bansa, bunsod pa rin ng crisis sa COVID-19, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) technical division chief Joel Bolano.

Pabor naman ang LTFRB sa ipapatupad na limitadong pasahero upang matiyak na magkakaroon ng physical distancing sa mga pampublikong sasakyan sa pagbabalik ng operasyon ng mga ito.

Ani Bolano, kailangang magtulungan at magsakripisyo ang lahat upang malampasan ng bansa ang kinakaharap na krisis pangkalusugan sa ngayon.

Nauna rito, inianunsiyo ng pamahalaan na papayagan na ang pag-operate muli ng mga public transportation sa mga lugar na isinailalim na sa ge­neral community quarantine (GCQ) simula Mayo 1.

Gayunman, kalahati o 50 porsiyento lamang ng orihinal na passenger capacity ng mga public utility vehicles (PUVs) ang maaari nilang isakay para maiwasan ang siksikan at posibleng hawahan ng virus.

Hindi naman kasama sa mga tinalakay ang posib­leng pagtataas ng pasahe upang mabawasan ang epekto ng napipintong pagkalugi ng public transport sector.

LTFRB

PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with