6 buwang moratorium sa pagbabayad ng utang isusulong
MANILA, Philippines — Isusulong sa pagbubukas muli ng Kamara sa Lunes, Mayo 4, ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ang maliliit na negosyo ng anim na buwang moratorium o hindi muna pagbabayad ng mga utang at iba pang bayarin para makabangon mula sa krisis pinansyal dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa House Bill (HB) 6621 ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, nais nitong masagip ang milyong mga manggagawa at mga maraming maliliit na negosyo sa buong bansa.
Alinsunod sa panukala ang “Non-Essential Businesses, MSMEs, and other debtors that have financial obligations with financial institutions, landlords, or other entities due within the ECQ period.”
Kabilang sa mga gastusin na nakapaloob sa moratorium ang “payroll costs, social agency contributions, materials and supplies, utilities, mortgage payments, insurance payments, commercial and residential rent, creation of new businesses and renewal of existing business, at repurposing existing capital.”
- Latest