^

Bansa

Karapatan ng manggagawa ipinangakong 'proprotektahan' ni Duterte ngayong Labor Day

Philstar.com
Karapatan ng manggagawa ipinangakong 'proprotektahan' ni Duterte ngayong Labor Day
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga nagproprotestang militante noong 2017 State of the Nation Address.
PPD/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Isinumpa ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na titiyakin ng gobyernong hindi maaapi ang mga obrerong kumakayod sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Ipinagdiriwang kasi sa buong mundo ngayong Mayo Uno ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa o Labor Day, na inilalaan para sa pagkilala sa makasaysayang ambag at pakikibaka ng uring manggagawa.

"Ngayong araw, binabati natin ang manggagawang Pilipino na pundasyon ang pagbabanat ng buto sa kasaganahan at pag-unlad ng bansa," ayon kay Digong sa isang pahayag sa Inggles.

"Sasamantalahin ko ang pagkakatayong ito upang pagtibayin ang pangakong paninindigan ang dignidad ng paggawa sa pamamagitan ng pagprotekta sa karapatan ng mga manggagawa gamit ang batas at pagpapantay ng mga pwersang panlipunan."

Kaugnay nito, pinaalalahanan niya ang mga negosyante't kapitalista sa kanilang tungkuling pataasin ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng stableng kabuhayan at makataong kondisyon sa pagtratrabaho.

Kinilala rin ni Duterte ang pagiging tanyag ng mga Pilipinong manggagawa sa ibayong dagat dahil sa pagiging propesyunal, na labis na napakikinabangan ng mga komunidad at industriya sa mundo.

"[N]awa'y mapakinabangan nang maayos ng bawa't Pilipino ang bunga ng kanilang paggawa at magkaroon ng produktibo't marangal na pamumuhay," patuloy nya.

Bagama't talamak ang coronavirus disease (COVID-19) maglulunsad pa rin ng sari-saring protesta online at sa ilang komunidad ang mga progresibo't militanteng grupo upang igiit ang pagtataas ng sahod at pagbibigay ng karampatang ayuda ngayong panahon ng pandemya.

Matagal nang panawagan ng mga labor groups gaya ng Kilusang Mayo Uno ang pagtataas ng arawang minimum wage sa P750, bagay na hindi pa rin naipatutupad ng gobyerno.

Kahapon lang nang ianunsyo ng Department of Labor and Employment papayagan nila ang mga negosyong ipagpaliban muna ang pagbabayad ng "double pay" sa mga empleyadong magtratrabaho sa araw na ito bunsod ng epekto ng COVID-19 sa ekonomiya. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

LABOR DAY

LABOR RIGHTS

RODRIGO DUTERTE

WORKING CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with