^

Bansa

International flights suspendido ngayong 2020

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa mga ‘travel junkies’, mas mabuting ibasura na ang plano na makabiyahe sa labas ng bansa ngayong taong 2020.

Ito’y makaraang ihayag ng Department of Tourism (DOT) na malaki ang posibilidad na suspendido sa buong taon ang biyahe palabas ng bansa bilang pagtitiyak sa kaligtasan sa pandemya dulot ng coronavirus disease 2019.

“At this point in time, traveling is just but a dream,” ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Sinabi ni Puyat na hindi agad-agad babalik sa normal ang mga biyahe kahit na matanggal na ang ECQ.  Marami ring mga lokal na pamahalaan ang hindi pa tatanggap ng mga bisita maging ang mga ibang bansa.

Inamin ng kalihim na pinaka tinamaan ng epek­to  sa ekonomiya ng pandemya ang industriya ng turismo. Umabot lamang ng 1.3 milyon ang ‘foreign arrivals’ sa bansa na mababa ng 40.2% kumpara noong nakaraang taon. Nagdulot ito ng pagbaba sa P79.8-B sa kita sa turismo kumpara sa P134.3-B noong nakaraang taon.

INTERNATIONAL FLIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with