^

Bansa

DOLE: Pagbabayad ng 'double pay' sa magtratrabaho sa Mayo Uno pwede i-postpone

James Relativo - Philstar.com
DOLE: Pagbabayad ng 'double pay' sa magtratrabaho sa Mayo Uno pwede i-postpone
Makikita sa litratong ito si Labor Secretary Silvestre Bello III, na lumagda sa mga alituntunin ng Labor Advisory 15 series of 2020.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Maaaring makamenos-gastos muna ang mga negosyo sa pagsalo ng mga dagdag benepisyo ng mga manggagawa't empleyadong magtratrabaho bukas sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa, ayon sa pinakahuling pahayag ng Department of Labor of Employment (DOLE).

Karaniwang binabayaran ng 200% ng kanyang sahod o sweldo ang sinumang nagtratrabaho sa unang walong oras tuwing regular holiday.

Gayunpaman, malaya ang mga employer na hindi muna 'yan bayaran bilang tugon na rin sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) sa ekonomiya, ayon sa Labor Advisory 15 series of 2020 na pinirmahan ni Labor Secreary Silvestre Bello III ngayong araw.

"[D]ahil sa pagkakaroon ng national emergency mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), papayagan ang mga employer na ipagpaliban ang pagbabayad ng holiday pay sa May 1, 2020," sabi ng DOLE sa Inggles, Huwebes.

"[Pwede 'yan] hanggang sa humupa na ang kasalukuyang emergency situation at maibalik ang normal na operasyon ng mga establisyamento."

Dagdag pa ng advisory, "exempted" sa pagbabayad ng mga karagdagang benepisyo ang mga establisyamentong tuluyang nagsara o pansamantalang nagtigil-operasyon habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ), na magtatagal hanggang ika-15 ng Mayo sa ilang lugar sa bansa.

Babayaran pa rin nang 100% ang sweldo o sahod ng mga empleyado't manggagawa na pipiliing hindi magtrabaho bukas.

Kung pipiliin naman ng tao na mag-overtime bukas, babayaran siya ng dagdag na 30% ng kanyang orasang bayad sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 200% x 130% x bilang ng oras na trinabaho).

Maaaring makita ang computations dito para sa mga papasok pa rin ng trabaho kahit "rest day," o mag-o-overtime kahit araw ng pahinga dito

BMP: Malaking kalokohan 'yan

Hindi naman natuwa ang ilang mayor na kilusang paggawa sa desisyong 'yan ng DOLE, bagay na lalo pa raw makababagahe sa mga tag-gutom ngayong ECQ.

"Ginutom sa loob isang buwan at kalahati, pinaasa sa na may darating na ayuda, ngayong araw niya, ganyan pa ang regalo niya?" galit na sabi ni Luke Espiritu, pambansang tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

"Sagad sagad ang pagiging makakapitalista ng Gobyernong Duterte."

Aniya, nakakakunsume na ipagkakait ng gobyerno ang makasaysayang ipinaglalaban ng mga manggagawa sa mismong Araw ng Paggawa.

Bukod diyan, matagal na rin daw binabansot ang sahod habang sinusupil ang karapatan ng mamamayan.

"Malaking kalokohan na naisip at ginawa nila ito, kulang pa ang pagkundena sa lantarang pambubusabos ng rehimeng duterte sa manggagawa," dagdag pa ni Espiritu.

'Working class challenge'

Samantala, naglatag naman ng hamon ang Kilusang Mayo Uno (KMU) kay Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga opisyales na mamuhay nang gaya ng karaniwang manggagawa na nabubuhay na lang daw sa P5,000 ayuda mula sa gobyerno.

"Kahit isang linggo lang. Tignan natin kung gaano kalapat sa lupa ang mga programang meron sila para sa taumbayan," ani Elmer Labog, pambansang tagapangulo ng KMU sa Inggles.

Bahagi raw ito ng pagbatikos nila sa gobyerno, na aniya'y bigo raw na tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong manggagawa ng ECQ.

Ito raw kasi ang halagang naibigay ng gobyerno sa 600,000 manggagawa na nadisplace ng ECQ, ayon sa huling ulat mula sa Joing Congressional Oversight Committee.

"Bukas na hamon ito sa lahat ng nasa Duterte government. Walang magarbong sasakyan, walang ala-alalay, walang health insurance nang isang linggo, mabuhay kayo sa Tondo o San Roque, magbayad ng buwanang renta," dagdag ni Labog.

"Binibigyan niyo kami ng P5,000 kada buwan, o budget na P1,000 kada linggo. Pumupunta kami nang trabago sa kondisyong pang-ekonomiko na ito, tignan natin kung mabubuhay kayo."

Sabi pa ng KMU, sana raw ay maintindihan ng pamahalaan na "palpak" diumano silang maipaabot ang ayuda lalo na sa mga pinakanangangailangan, habang ang iba ay inaaresto pa.

Nanawagan din sila sa mga manggagawa na mag-ingay o magsabit ng mga pulang streamer bukas habang nakasuot ng facemask bilang protesta.

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

HOLIDAY PAY

KILUSANG MAYO UNO

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with