^

Bansa

Law graduate mula sa Bicol nag-top 1 sa 2019 Bar Exams

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Law graduate mula sa Bicol nag-top 1 sa 2019 Bar Exams
Sa inilabas na resulta ng 2019 Committee on Bar Examinations, nanguna si Mae Diane Azores ng University of Sto. Tomas-Legazpi nang makakuha ng iskor na 91.04%.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang babaeng law graduate mula sa Legazpi City sa Bicol region ang nag-Top 1 sa 2019 Bar Examinations na nakapagtala ng 2,103 pumasang exa­minees.

Sa inilabas na resulta ng 2019 Committee on Bar Examinations, nanguna si Mae Diane Azores ng University of Sto. Tomas-Legazpi nang makakuha ng iskor na 91.04%.

Nasungkit naman ng kapwa niya law student sa UST-Legazpi na si Myra Baranda ang Top 3 sa puntos na 88.82%. Pasok sa Top 10 sina Princess Fatimas Parahiman ng University of the East (2nd- 89. 52%), Dawna Fya Bandiola ng San Beda College-Alabang (4th-88.33%), Jocelyn Fabello ng Palawan State University (5th- 88.23%), Kenneth Glenn Manuel ng University of Sto. Tomas (6th- 88.17%), Rhowee Buergo ng Jose Rizal University (7th- 87.87%), Anton Luis Avila ng Saint Louis University (8th- 87.58%), Jun Dexter Rojas ng Polytechnic University of the Phi­lippines (9th- 87.57%) at Bebelan Madera ng University of St. La Salle (10th-87.37%).
Ang 2,103 na pumasa ay 27.36 porsyento ng kabuuang 7,685 exa­minees na sumabak sa pagsusulit.

Samantala, walang magaganap na bar examinations ngayong 2020 makaraang magdesisyon ang Korte Suprema na suspindihin ito ngayong taon dahil sa umiiral na pandemya.

Inihayag ito ng Korte Suprema sa inilabas na Bar Bulletin na pirmado ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, chairperson ng 2020 bar exams.

Sinabi ni Leonan na sa darating na Hunyo sila maaaring makapagbigay ng petsa kung kailan itutuloy ang 2020 bar exams na posibleng sa darating na 2021 na.  Maaari itong isagawa alinman sa Maynila o sa Cebu City.

BAR EXAMS

MAE DIANE AZORES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with