^

Bansa

“New Normal” sa barberya at beauty salons itatakda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dedesisyunan ng pandemic task force ng pamahalaan ang dapat mangyari sa mga salon at barberya sa ilalim ng bagong “normal” sa Pilipinas.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipapalabas ng Inter-Agency Task Force ngayong Martes ang desisyon sa mga barberya at beauty salon.

Napaulat na merong mga Pilipino na pinili na lang na gupitan ang sarili nilang buhok sa kanilang mga bahay dahil kabilang ang mga barberya at beauty salon sa mga negosyong ipinasara mula nang ipatupad at palawigin hanggang Mayo 15 ang enhanced community quarantine.

 “Iyan po ay dinidiscuss kasi ang problema po diyan sa mga salons, barbero, imposible po ang social distancing diyan unless we have developed scissors na mahabang-mahaba,” sabi ni Roque.

Pagpapasyahan din ng IATF ang “new normal” para sa mga tindahan ng damit.

Ang “new normal” ay katumbas ng general community quarantine o GCQ, na one notch lower kaysa sa ECQ.

Magsisimula ang GCQ sa ilang lugar sa Mayo 1 na ilang negosyo ang papayagang magbukas muli. Sa ECQ, tangi lang bukas ang mga supermarket, botika, at food delivery services.

Related video:

NEW NORMAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with