MANILA, Philippines — Inihain na ni Senador Risa Hontiveros sa Senado ang resolusyon na humihikayat sa gobyerno na pagmultahin ang Chinese government at pigilan ito sa kanilang mga aktibidad sa West Philippine Sea.
Sa Senate resolution no. 369 na inihain ni Hontiveros, hinikayat niya ang administrasyon na gumawa ng legal na hakbang at diplomatic pressure dulot ng malala at hindi na malulunasang pinsala sa ating ecosystems.
Nakasaad pa sa resolusyon na ang patuloy na illegal na aktibidad ng mga Chinese sa West Philippine Sea ay tinatayang P33 bilyon halaga ng damage kada taon.
Iginiit pa niya na sinasamantala ng China ang global pandemic kaya patuloy ang kanilang aktibidad sa nasabing mga rehiyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga artificial islands , installations, at istraktura sa teritoryo ng Pilipinas na dapat kaaagad ipahinto ng administrasyon.