6 health workers nagpositibo sa COVID

Dalawang doctor, isang nurse at hospital clerk sa Baguio General Hospital, habang dalawang lalaking frontliner nurse sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City ang nagpositibo sa COVID-19 infection.
Walter Bollozos

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Anim na health workers sa Baguio City at Isabela ang pinakabagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa hanay ng frontliners.

Dalawang doctor, isang nurse at hospital clerk sa Baguio General Hospital, habang dalawang lalaking frontliner nurse sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City ang nagpositibo sa COVID-19 infection.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Maga­long, naka-confine na ang apat sa BGHMC at kasalukuyang nasa stable condition.

Ayon naman kay BGHMC Medical Chief Dr. Ricardo Ruñez, sini­mulan na nila ang mga kinakailangang hakbang para ma-trace lahat ng naging close contacts ng mga nasabing health workers habang hina­handa din nila ang mga staff ng ospital para sa COVID-19 test.

Sisimulan aniya ang pag-disinfect sa mga wards ng BGHMC habang napagsabihan na sila sa temporaryong paghinto sa admissions.

Samantala, ayon kay SIMC head Dr. Ildefonso Costales ang dalawang nurse ay naka-assign sa COVID-19 ward ng nasabing pagamutan na nagkaroon ng exposure sa huli nilang pasyente na kanila ring medical technologist na tagaCauayan City.

Nakarekober na noong Abril 21 ang medical technologist matapos ma-confine sa SIMC kung saan ngayon gina­gamot ang dalawang nurse.

Show comments