Hagupit ng tag-init, P11 milyong pananim, nasira!
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Pumalo na sa P11 milyon ang halaga ng mga agricultural crops na nasira bunsod ng matinding init ng panahon sa Kidapawan City.
Ayon kay Marisa Aton, acting city agriculturist, pinakaapektado nito ang mga rice farmers at ang mga nagtatanim ng mga saging.
Sa taya ni Aton, nasa mahigit 1,000 rice farmers habang nasa 700 magsasaka na nagtatanim ng mais ang apektado ng dry spell sa lungsod.
Hindi pa kasali rito ang libu-libong puno ng saging na nasa fruiting season na natumba dahil napinsala ng malakas na hangin matapos na umulan nitong nakaraang araw.
Gayunman, maaari pang tumaas ang halaga ng pinsala sa agrikultura kapag nagtuloy tuloy ang nararanasang kakulangan ng ulan at mainit na temperatura sa mga susunod na mga araw.
Maging ang mga alagang baka na nakatakda sanang ipamahagi sa mga magsasaka ay apektado na rin ng tagtuyot. Tuyot na kasi ang pastulan ng mga ito.
- Latest