Martial Law idedeklara ni Duterte kung‘di titigil ang NPA sa pag-atake
MANILA, Philippines — Nagbanta kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklata ng martial law kung patuloy na manggugulo ang New People’s Army (NPA) sa gitna ng problema sa COVID-19.
Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na nakatuon lamang ang Martial Law laban sa NPA at sa mga komunista.
Binanggit ng Pangulo ang ginawang pagpatay ng NPA sa dalawang sundalo na nag-escort lamang upang magdala ng pera at suplay.
Sinabi ni Duterte na nangyayari ang pagpatay sa iba’t ibang bahagi ng bansa at kinukuha rin ng mga NPA ang suplay na dapat ibigay sa mga tao.
“Kaya I am now warning everybody and putting notice sa Armed Forces pati police, I might declare martial law and there will be no turning back,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na susubukan niyang tapusin ang mga rebeldeng grupo sa nalalabing dalawang taon ng kaniyang panunungkulan.
Nagbabala rin si Duterte sa mga “legal fronts” na sumusuporta sa mga NPA na magtago na kapag idineklara niya ang martial law.
Related video:
- Latest