Langis ng niyog, susuriin kung pwedeng gamot sa COVID-19 patients
MANILA, Philippines — Magsasagawa ng clinical trial ang Department of Science and Technology (DOST) sa langis ng niyog para malaman kung makakatulong ba itong mapabilis ang paggaling ng mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang mga nabigyan ng consent na mapabilang sa clinical trials ay bibigyan ng virgin coconut oil bilang bahagi ng kanilang arawang diet.
Dito ay susuriin kung mas mapapabilis ba nito ang paggaling ng mga may COVID kumpara sa mga hindi gagamit ng langis.
“Malaking bagay po kung makikita na nakakapagpabilis ng recovery ito dahil abundant ito dito sa atin at affordable,” dagdag ni dela Peña.
Sakaling magtagumpay sa clinical trials, umaasa ang ahensiya na ang virgin coconut oil ay papayagan ng Food and Drug Administration bilang health supplement para sa mga taong may COVID-19.
Sa latest report ng DOH, mayroon ng 6,981 kaso ng COVID sa bansa, 722 ang gumaling at 462 ang namatay.
- Latest