ECQ extension aprubado, hanggang ika-15 ng Mayo sa Metro Manila, iba pang lugar
MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na palawigin ang enhanced community quarantine sa ilang "high-risk areas" hanggang ika-15 ng Mayo.
Biyernes nang kumpirmahinn ito ni presidential spokesperson Harry Roque, kaugnay ng patuloy na pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Kasama sa mga apektadong lugar ang National Capital Region,Central Luzon, Calabarzon at ang mga probinsya ng Pangasinan, Benguet, Albay at mga isla ng Mindoro at Catanduanes.
Inirekomenda rin ng task force na ilagay ang Cebu, Panay at mga probinsya ng Davao del Norte, maging Davao City sa ECQ.
Kasama sa mga lugar na high-risk ang sumusunod:
Region III
- Bataan
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
Region IV-A
- Batangas
- Cavite
- Rizal
- Quezon
Region IV-B
- Oriental Mindoro
- Occidential Mindoro
Region V
- Albay
- Catanduanes
Visayas
- Aklan
- Antique
- Capiz
- Cebu
- Iloilo
Mindanao
- Davao del Norte
Ang mga probinsyang high-risk ay ilalagay sa ECQ hanggang ika-15 ng Mayo depende pa sa evualuation.
Maaari pang magbago ang ECQ sa Benguet, Pangasinan, Tarlac at Zambales hanggang ika-30 ng Abril. Ilalagay din sa ECQ ang Davao de Oro ngunit muli pang susuriin.
General community quarantine
Samantala, isasailalim naman sa general community quarantine ang "moderate-risk areas" hanggang ika-15 ng Mayo ngunit subject to evualuation din.
Gayon din ang gagawin sa mga low-risk areas, hanggang sa i-relax ito sa "normalization."
(Basahin: General community quarantine to be implemented in moderate, low-risk areas)
"Pagdating sa ekonomiya, tinitignan namin kun anong mga sektor ang maaari nating buksan, ang mga taong pwede uling magtrabaho, at siyempre, kung saan pwedeng mag-commute ang mga tao," ani presidential spokesperson Harry Roque sa isang pahayag sa Inggles.
Ika-7 ng Abril nang unang palawigin ang lockdown sa Luzon hanggang ika-30 ng Abril.
Nasa ika-limang linggo na ng nasabing pulo sa ilalim ng ECQ.
Huwebes nang maitala ng Department of Health ang 6,981 na bilang ng kumpirmadong COVID-19 patients sa Pillipin as. 462 rito ang patay na. — James Relativo at may mga ulat mula kay Franco Luna
Related video:
- Latest