Wala pang gamot vs COVID-DOH

Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na mara­ming maliit na ‘clinical trials’ sa iba’t ibang bansa pero hindi konklusibo lahat ng resulta.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa ring natutuklasang gamot laban sa COVID-19 sa kabila ng iba’t ibang impormasyon na kumakalat.

Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na mara­ming maliit na ‘clinical trials’ sa iba’t ibang bansa pero hindi konklusibo lahat ng resulta.

Maging ang mga ginagamit na ‘off-label drugs’ ay pawang mga ‘experimental’ lamang.

“Araw-araw ay marami tayong naririnig at nababasa na may cure or gamot laban sa COVID. Inuulit ko po, based on scientific evidence as of TODAY (April 22), there is no proven cure for COVID yet,” ayon kay Vergeire.

Ngunit katulad ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-alok ng P10 milyong pabuya, umaasa rin ang DOH na may makakatuklas ng gamot sa virus.

“Mabusisi ang prose­so ng pagtutuklas ng lunas para sa isang sakit dahil ayaw nating bigyan ng gamot na makakasama sa isang pasyente,” ani Vergeire.

Sa mga nananawagan na subukan ng DOH ang ilang uri ng gamot na isinusulong sa social media, iginiit niya na mahirap talagang matukoy kung epektibo ito dahil sa marami naman sa mga gumagaling sa COVID ay dahil sa taglay na katangian ng katawan lalo na kung bata pa at malakas.

Show comments