Dalubhasa: 9,000 kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mas makatotohanan

Health workers sa isang COVID-19 "swabbing booth" sa Rosario Maclang Bautista General Hospital, ika-21 ng Abril.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maaaring mas mataas pa ang aktwal na bilang ng kaso coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas kumpara sa inilalabas na datos ng gobyerno dahil diumano under-reporting, asymptomatic at mildly symptomatic na mga kaso, sabi ng mga eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sa ulat na inilabas ng pamantasan Miyerkules nang gabi, tinatayang nahuhuli nang libu-libo ang Department of Health sa datos nilang 6,710 kahapon.

"A rough estimate of the number of true COVID-19 cases in the Philippines based on percentages of asymptomatic cases is 9,000," sabi ng mga researchers mula sa UP.

Aniya, napansin nila ang malaking agwat sa pagkakahati-hati ng mga kumpirmadong kaso sa Pilipinas, kung saan one-fifth (sangkalima) na agad ng kumakatawan sa mga pasyenteng may COVID-19 ay 65 pataas.

Kahit na mahigit 50% ng populasyon ng Pilipinas ay edad 0 hanggang 24, nakapagtataka raw na 8% lang ito sa bumubuo ng COVID-19 infections sa bansa.

"There is no evidence to suggest that infection rates are higher with age," dagdag nila, habang marami raw sa mga carriers ng COVID-19 sa ibang bansa ay walang sintomas o mildly symptomatic lang.

"This discrepancy suggests there is potentially some number of COVID-19 cases that are asymptomatic (no symptoms present), mildly symptomatic (only lesser symptoms like lack of taste), or unreported. Based on data from South Korea, the number of asymptomatic cases may be around 30%."

Una nang sinabi ng World Health Organization at Centers for Disease Control and Prevention na may mas mataas na risk para sa malubhang sakit mula sa COVID-19 ang mga nakatatanda, gaya ng 65-anyos pataas.

Mass testing vs. asymptomatic cases

Inirerekomenda nila ngayon ang mas masusing mass testing at contact tracing para mapag-alaman ang hindi pa nalalamang asymptomatic at mildly asymptomatic cases, na maaaring magkalat ng COVID-19.

Kahit sinasabi ng DOH na nakakahawa pa rin ng COVID-19 ang asymptomatic carriers, pinakamababa sa proyoridad ng government mass testing ang mga pasyente, healthcare workers at iba pang frontliners na walang sintomas ngunit may nakasalamuhang COVID-19 case.

"There is the danger that asymptomatic cases may act as super spreaders of COVID-19. Mass randomized testing and contact tracing will help determine the actual number of cases, including asymptomatic and mildly symptomatic cases, and will help control the spread of COVID-19 by identifying and tracking the silent spreaders of the disease," dagdag pa nila.

Ika-21 ng Abril nang sabihin ni Sen. Sherwin Gatchalian na "crucial" ma-test para sa virus kahit ang mga walang sintomas sa sakit, lalo na't nagpositibo sa virus ang pitong persons under monitoring (PUMs) sa Valenzuela.

Isang asymptomatic na babae mula sa Wuhan, China ang unang COVID-19 confirmed case sa Pilipinas, matapos niyang dumating sa bansa noong ika-21 ng Enero.

Umabot na sa 446 ang kumpirmadong namamatay sa COVID-19 sa bansa, habang 693 naman ang gumagaling na mula rito. — James Relativo at may mga ulat mula kay Ratziel San Juan

Show comments