ECQ sa Bicol hinging luwagan
Legazpi City, Albay- Hihilingin ng mga opisyal ng Bicol na kasapi ng Regional Peace and Order Council (RPOC) sa national government na luwagan na ang ipinatutupad na enhance community quarantine (ECQ) sa buong rehiyon matapos ang Abril 30. Ito ang napagkasunduan sa pulong ng RPOC sa pangunguna ni Albay Gov. Al Francis Bichara na dinaluhan ng mga regional directors ng ibat-ibang ahensya, mayor at gobernador noong Lunes.
Sa pulong, nabuo ang resolusyong hilingin sa National Inter-Agency Task Force on Infectious Disease na irelaks o magkaroon ng modified at selected ECQ sa Kabikolan para makapag-simula na sa paghahanapbuhay ang karamihan. Ang Bicol ay may naitalang 25 kaso ng Covid-19; 16 ang nakarekober at dalawa ang nasawi
- Latest