TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Zero positive na ang kaso ng coronavirus disease 2019 sa Region 2 kahapon. Inihayag ito ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health matapos gumaling na ang Medical Technologist na taga-Cauayan City matapos ang ikalawang pagsusuring ginawa sa kanya. Matatandaan na nahawa ang pasyente sa doktor na frontliner na kasamahan nito sa Southern Isabela Medical Center at nauna nang gumaling noong nakaraang linggo. Sa 27 na confirmed COVID-19 cases sa Cagayan Valley, 26 ang nagrekober at isang 65 anyos na lolo sa Solano, Nueva Viscaya ang nasawi.