Robot gagamitin vs COVID-19
MALOLOS CITY, Bulacan - Susubukang gamitin sa Centralized Quarantine Facility ng Bulacan Medical Center o BMC ang mga RoviDoc o Robot Roving Doctor na naimbento ng mga propesor sa information technology sa San Jose Del Monte Campus ng Bulacan State University o BulSU. Ipinaliwanag ni Jayson Victoriano, direktor ng Institute for Innovation in Business and Emerging Technologies ng BulSU-San Jose Del Monte, itong RoviDoc ay tutugon upang matiyak ang kaligtasan din ng mga doktor at nars na gumagamot sa mga may sakit na coronavirus disease o COVID-19.
Dinisenyo ito upang siyang direktang kumalinga at magbigay ng mga pangangailangan ng pasyenteng may COVID-19 na hindi na kailangang lapitan nang personal ng mga doktor o nars.
Kaya nitong asikasuhin ang health care service ng bawat pasyente, magbigay ng suplay ng gamot sa takdang araw at tamang oras at mabantayan ang kondisyon ng isang pasyente kung gumagaling o hindi.
Pwede rin nitong makita ang tunay na lagay ng isang pasyente sa pamamagitan ng nakakabit na RoviDoc Apps.
- Latest