^

Bansa

Paiiksiin? Bagong school year malamang Agosto-Marso na lang, sabi ng DepEd

James Relativo - Philstar.com
Paiiksiin? Bagong school year malamang Agosto-Marso na lang, sabi ng DepEd
Kumpulan ng mga mag-aaral sa elementarya sa isang paraalan sa Pilipinas.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Matapos maantala ng mga klase buhat ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, tinitignan ngayon ng Department of Education ang posibilidad ng pag-usog ng pagbubukas ng klase ng dalawang buwan.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni DepEd Secreary Leonor Briones na ito ang lumalabas na trend sa konsultasyon nila sa ehekutibo, management committee, mga negosyo atbp.

"Malamang ay Agosto na ang pagbubukas [ng mga klase]," wika ni Briones sa Inggles.

Paliwanag niya, hinihingi raw kasi ng batas na magsimula ang mga klase sa pagitan ng Hunyo hanggang huling araw ng Agosto.

"So 'yun ang window namin. Pero mukhang ang trend na lumalabas is really for August," dagdag pa ng kalihim.

'Yan ang sinabi ni Briones kahit tinatayang Oktubre 2020 ang magiging rurok ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas sa 8.5 milyong infections, ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS).

Matatandaang sinuspinde ang lahat ng mga klase noong Marso kasunod ng deklarasyon ng community quarantine sa buong Metro bilang tugon sa banta ng COVID-19.

Dapat nagsimula na uli ang mga klase noong ika-13 ng Abril, ngunit muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo ang lockdown simula nang ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Nauwi tuloy ang marami sa pagsasagawa ng mga online classes at pagbibigay ng mga takdang aralin na 

"Malinaw na malinaw ang batas: unang linggo ng Hunyo, huling araw ng Agosto, na malinaw na kumikiling ngayon sa Agosto," sabi pa ni Briones.

"Kung huling linggo o unang linggo, makikita natin."

Bagama't posibleng gawing Agosto ang pagbubukas ng mga klase sa elementarya't high school, marami nang nagpapatupad ng August school year opening sa kolehiyo, gaya na lang ng University of the Philippines, University of Santo Tomas atbp.

Sa huling tala ng Department of Health, umabot na sa 6,459 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 428 na ang namamatay.

Marso pa rin magtatapos ng school year?

Bagama't posibleng mausog ang pagbubukas ng klase ng dalawang buwan, gusto ng DepEd na magtapos ang school year sa regular na buwan ng pagtatapos ng school year.

"Ang concern namin, gusto naming matapos din by March. But at the same time, mag-comply ng number of days na hinihingi ng batas para matuto ang mga estudyante," banggit pa ng Education secretary.

Para magawa 'yan, kinokonsidera ng DepEd na bigyan ng klase hanggang Sabado ang mga estudyante.

Pero hindi naman daw nila ito gagawing face-to-face na klase. Bagkos, maaaring gawing Sabado ang mga klase sa kani-kanilang mga bahay.

Humihingi ngayon ng tulong ang DepEd sa mga magulang, yaya at iba pang kasama sa bahay ng estudyante upang maging matagumpay ang tinitignan solusyon ng ahensya.

"[H]indi kailangan na papasok sila. Para hindi naman mabo-bore ang mga bata," wika pa niya.

DEPARTMENT OF HEALTH

LEONOR BRIONES

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL OPENING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with