^

Bansa

Duterte tinawagan ni Trump

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte tinawagan ni Trump
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gobyerno ng Amerika ang nag-initiate ng tawag na tumagal ng 18 minuto.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tumanggi ang Malacañang na isapubliko kung ano ang napag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at United States President Donald Trump sa telepono kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gobyerno ng Amerika ang nag-initiate ng tawag na tumagal ng  18 minuto.

Sinabi ni Roque na “cordial” ang naging pag-uusap nina Duterte at Trumph.

Natalakay ang “bilateral collaboration on COVID-19” pero wala umanong kapangyarihan si Roque na sabihin ang detalye.

Pero idinagdag din nito na mayroon silang notes at transcripts ng usapan ng dalawang Pangulo.

Nauna rito, inilabas ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga larawan ni Duterte habang kausap si Trump sa telepono.

Matatandaan na sa ulat sa bayan ng Pangulo noong Abril 13, naungkat ang mga pag-alis ng ilang mga  Filipino nurses patungong Amerika sa gitna nang pangangailangan ng bansa sa mga health workers.

Sinabi ni Duterte na naging bahagi ng problema ng mga Filipino ang Amerika.

“Ngayon ganito ang problema namin, America is part of the problem of the Filipinos now. Kasi sa karaming tinamaan sa kanila, marami ng patay maski sino na lang nananawagan sila basta ‘yung nurse, mga nurse sige punta kayo sa embassy, i-process nila ang visa one day, kinabukasan lipad ka na,” sabi ni Duterte 

Sinabi rin ng Pangulo na naiintindihan niya kung gugustuhin ng mga nurse na magtrabaho sa Amerika.

Pero inamin din ng Pangulo na magiging problema kapag nagkulang na ng mga nurse sa bansa.

DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with