Limitadong window hours sa palengke pinatatanggal

Ayon kay Nograles, mismong ang DILG ang nagsabi na ang pagpapatupad ng limitadong oras ay nagiging sanhi upang magsiksikan ang mga tao sa mga nabanggit na establisimiyento at hindi na nasusunod ang social distancing.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon, file

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson Karlo Nograles sa mga local government units (LGUs) na sundin ang kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanggalin na ang limitadong window hours sa mga palengke, groceries at pharmacies.

Ayon kay Nograles, mismong ang DILG ang nagsabi na ang pagpapatupad ng limitadong oras ay nagiging sanhi upang magsiksikan ang mga tao sa mga nabanggit na establisimiyento at hindi na nasusunod ang social distancing.

Mas hinihikayat aniya ang pagkakaroon ng schedule o kaya ay clustering ng mga komunidad o barangay na maaa­ring lumabas. -Mer Layson

Related video:

Show comments