^

Bansa

DILG: Pag-spray ng disinfectant sa tao dapat itigil ng LGUs

Philstar.com
DILG: Pag-spray ng disinfectant sa tao dapat itigil ng LGUs
Direktang ini-i-sprayan ng disinfectant ng Philippine National Police ang mga residente sa hangganan ng Rosales at Balungao sa probinsya ng Pangasinan kontra COVID-19.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units na huwag nang mag-i-spray ng disinfectant sa mga tao bilang pag-iingat sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Ginagamit ng ilang lungsod sa Pilipinas ang misting at direktang pag-spray sa mga tao bilang parte ng kani-kanilang decontamination measures sa patuloy na pagkalat ng nakamamatay na virus.

Ayon kay Interior Secreary Eduardo Año, Lunes, dapat daw iwasan ng gobyerno na madagdagan pa ang problemang pangkalusugan habang nilalabanan ang COVID-19.

"Ang pinakaimportante ay ituloy natin ang pag-adapt habang inaaral pa ang COVID-19. Tulad na lang na hindi makatutulong ang mga disinfection mist laban dito kaya naman we discourage the LGUs from using them sa kanilang mga nasasakupan," ani Año, Lunes.

Ika-13 ng Abril nang sabihin ng Department of Health na itigil na ang "misting" ng disinfectant direkta sa mga tao sa dahilang makasasama pa ito sa kalusugan.

[A]ng ginagamit na kemikal sa misting ay hindi nakakabuti sa tao, maging sa mga alagang hayop," sabi ni health Undersecreary Maria Rosario Vergeire, habang ibinababala ang iritasyon sa may mga hika at ubo.

Ilan sa mga ginagamit na kemikal sa disinfectants ang hypochlorite, na isang irritant sa balat at sa mucuos membrane (mata, ilong at lalamunan).

Maliban dito, sinabi na rin daw ng World Health Organization na hindi naman daw epektibo ang misting sa pagpuksa ng virus, at mas mainam pa rin ang direktang paglilinis ng surface kumpara sa pag-iispray.

Sabi pa ng DILG, pinapasinungalingan na rin ng Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika ang pagiging epektibo ng disinfection, maliban sa idinudulot nitong "adverse health effects."

Maaari pa rin naman daw gamitin ang misting sa mga kotse, kwarto, gusali at iba pang gamit.

Sa kabila nito, maaari pa rin daw idaan sa misting ang mga indibidwal na nakasuot ng personal protective equpment (PPE), lalo na kung hindi nakalabas ang balat, basta't ingatan ang mata, ilang, bibig at lalamunan.

DOH memorandum

Dahil diyan, naglabas na ng advisory ang DILG noong ika-18 ng Abril para irekomenda sa mga LGU na ipagbawal na ang paggamit ng disinfection tents, misting chambers o sanitation booths para sa mga taong hindi nakasuot ng PPE, alinsunod sa DOH Memorandum 2020-0157.

"Ayaw na nating madagdagan pa ang pinsala sa ating mamamamayan habang nilalabanan ang pandemya," dagdag pa ng DILG.

Patuloy naman daw silang makikipag-ugnayan sa DOH tungkol sa mga tamang pamamaraan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, na tumatama na sa 6,259 at pumatay sa 409 katao sa bansa.

Hindi naman daw masasayang ang rekurso ng mga LGU na inilaan dito lalo na't maaari naman daw itong gamitin sa surface disinfection. Pwede rin daw gamitin ang mga booths bilang temporary isolation. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

DISINFECTION

MISTING

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with