^

Bansa

240 inabandonang construction workers sa Pasig tinulungan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

PASIG, Philippines — Nasa 240 construction workers na inabandona sa mga construction sites sa Ortigas, Pasig City ang agad nahatiran ng tulong ng ACT-CIS partylist.

Pinangunahan ni Rep. Nina Taduran ang pagbibigay ng tulong sa 104 obrero sa construction sites sa Exchange Square Project sa tabi ngTektite Building, Exchange Road, Ortigas, Pasig City at 136 ding abandonadong manggagawa sa One Filinvest, malapit sa Robinsons Galleria matapos mag-viral sa social media na nanghihingi ng bigas at pang-ulam.

Nanawagan naman ang ACT-CIS sa Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang may-ari ng kumpanya sa paglabag sa minimum wage law at pag-abandona sa mga manggagawa sa gitna ng ipinapatupad na Luzon-wide lockdown dahil sa COVID-19.

Nagbabala rin si Cong. Eric Yap ng ACT-CIS na hindi nila palalampasin ang paglapastangan ng mga employer sa kanilang manggagawa lalo na ngayong panahon ng COVID-19.

Ayon kay Junrel dela Cruz, tagapagsalita ng mga manggagawa, sumasahod lamang sa P375 kada araw ang ordinaryong laborer, habang ang karpintero ay kumikita lamang ng P475 kada araw na hindi tugma sa pinaiiral na below minimum wage sa Metro Manila.

vuukle comment

ACT-CIS

DOLE

NINA TADURAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with