6 patay sa lambanog

Sa Facebook page ni Congressman Pidi Barzaga, inilathala nito ang naging biktima ng mga katigasan ng ulo sa hindi pagsunod sa mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban sa kanilang lunsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi na kabilang sa 18 kataong nalason dahil sa umano’y pag-inom ng lambanog sa gitna ng ipinatutupad na lockdown dahil sa COVID-19 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.

Sa Facebook page ni Congressman Pidi Barzaga, inilathala nito ang naging biktima ng mga katigasan ng ulo sa hindi pagsunod sa mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban sa kanilang lunsod.

Galing sa limang barangay ng Dasmariñas ang mga biktima kabilang ang 7 sa Barangay San Antonio De Padua 1, 5 sa Brgy. San Nicolas 2, 4 sa Brgy. Victoria Reyes, 1 sa Brgy. Emmanuel Bergado 1 at isa sa Brgy. San Nicolas 1.

Ang mga ito ay itinakbo sa magkakahiwalay na pagamutan subalit anim sa mga biktima ay sunud-sunod na binawian ng buhay mula sa Brgy. Victoria Reyes na 3 ang namatay, 2 sa Brgy. San Antonio De Padua 1 at isa sa Brgy. Emmanuel Bergado 1.

Hindi muna pinangalanan ang mga biktima.

Kasalukuyan na ngayong nagsasagawa ng masu­sing imbestigasyon ang pulisya at isinailalim na rin sa mga testing ang mga biktima partikular na ang mga namatay kung lambanog nga ang posibleng dahilan ng pagkalason ng mga ito.

Show comments