NEDA chief Pernia nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines — Nagbitiw kahapon sa puwesto si National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Ernesto Pernia.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Pernia na matapos ang kaniyang reflection noong Holy Week at konsultasyon sa kaniyang pamilya at malalapit na katrabaho ay nagpasya siyang magbitiw bilang kalihim ng Socioeconomic Planning.
Personal aniya ang dahilan at dahil din sa hindi pagkakahalintulad ng development philosopy niya sa ilang kapwa niya cabinet members.
Pinasalamatan naman ni Pernia si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga sa kaniya sa nasabing pwesto.
Pinasalamatan din ni Pernia ang mga kasamahan niya sa NEDA.
Samantala, kinumpirma naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na natanggap na ng Palasyo ang resignation letter ni Pernia at agad na itinalaga bilang acting secretary si Finance Undersecretary Karl Chua.
Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, krusyal ang posisyon ng NEDA sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa kaugnay ng krisis sa COVID-19. Joy Cantos
- Latest