Sa pagpapabitiw kay Duque
MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na ang pagpapalit ng liderato ng Department of Health ay lalo lang magpapahirap sa pakikipaggiyera ng bansa sa COVID-19.
Ginawa ni Go ang pahayag makaraang lagdaan ng ilan niyang kasamahan sa Senado ang isang resolusyong nananawagang magbitiw sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque dahil umano sa “failure of leadership, negligence, lack of foresight at inefficiency.”
“Nais kong ipahatid ang aking posisyon na sa panahong ito, mahirap na magpalit pa tayo ng kapitan sa gitna ng digmaan,” ani Go patungkol kay Duque.?
Sa halip, nanawagan si Go sa publiko at sa iba pang opisyal ng gobyerno na tulungan at suportahan na lang ang DoH.?
Aminado naman si Go na hindi lamang si Duque ?kundi ang buong Health department ay nagkaroon ?ng pagkukulang sa paglaban sa virus.