Foreign cruise ships na may Pinoy crew papayagang dumaong sa Maynila

MANILA, Philippines — Papayagan nang dumaong sa Maynila ang mga foreign cruise ships na may mga Filipino crew.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, na papayagan ang mga cruise ships na gawing quarantine facility ang mga pantalan ng Maynila para sa mga Filipino crew members alinsunod sa ipinatutupad na mga panuntunan.

“Ang mga foreign crew ship na may dalang mga Pilipinong crew members ay papayagang dumaong sa mga pantalan ng Maynila at magamit bilang quarantine facility nila alinsunod sa patakaran ng sub-task group for the repatriation of Overseas Filipino Workers,” sabi ni Nograles.

Papayagan din ang mga banyagang crew ng barko na makababa sa Maynila para makasakay ng eroplano patungo sa kanilang destinasyon.

Pero dapat ding makumpleto ng mga foreign crew ang 14 na araw na mandatory quarantine pagdating sa Pilipinas.

Show comments