^

Bansa

Duque pinagbibitiw ng 15 senador sa 'kapabayaan' sa COVID-19 crisis

James Relativo - Philstar.com
Duque pinagbibitiw ng 15 senador sa 'kapabayaan' sa COVID-19 crisis
Litrato ni Health Secretary Francisco Duque III habang nagtatalumpati.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nananawagan ngayon ang ilang mambabatas na agad magbitiw sa pwesto si Department of Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng diumano'y palpak niyang paghawak sa krisis ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa kalalabas lang na P.S. Resolution 362, sinabi na bigo, pabaya at "inefficient" si Duque sa kanyang pamumuno na kaharapin ang pandemic, na pumatay na sa 353 at tumama sa 5,453 katao.

 

Aniya, nagdulot daw ito sa sablay na pagplaplano, mabagal na pagtugon sa krisis, kakulangan ng transparency at "flip-flopping policies," na patuloy na nagsasapeligro sa buhay ng mga sibilyan, healthcare professionals at mga frontliners. 

Ang naturang panawagan ay itinutulak ngayon ng mga sumusunod na senador:

  • Sen. Vicente "Tito" Sotto III
  • Sen. Ralph Recto
  • Sen. Juan Miguel Zubiri
  • Sen. Sonny Angara
  • Sen. Nancy Binay
  • Sen. Grace Poe
  • Sen. Manny Pacquiao
  • Sen. Sherwin Gatchalian
  • Sen. Francis Tolentino
  • Sen. Joel Villanueva
  • Sen. Ronald "Bato" dela Rosa
  • Sen. Imee Marcos
  • Sen. Lito Lapid
  • Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr.
  • Sen. Panfilo "Ping" Lacson

"[R]ather than providing enlightening viewpoint on the problems and challenges confronting the country in light of the COVID-19 pandemic, the present Secreary's actions, as discussed in the succeeding paragraphs, show lack of competence, efficiency, and foresight bordering on negligence in handling the health crisis," sabi pa ng dokumento.

Ikinagalit pa nila ang mungkahi noon na Duque na huwag agad pigilin ang flights mula sa Tsina, na pinagsimulan ng COVID-19 outbreak.

"Certainly that’s one of the possible options that we are looking at, but not at this very moment," ani Duque noong ika-29 ng Enero sa Kamara.

"The reason being, your honor, is we have to be very careful also of possible repercussions of doing this, in light of the fact that confirmed cases of the novel coronavirus are not limited to China."

Bigo rin daw ang DOH na bigyan ang akreditasyon ang mga testing centers, na labis na nagpabagal diumano sa pagtugon ng mga local government units sa public health crisis.

Isa sa mga positibong tinukoy ng 15 senador ang delay sa inspection ng Marikina testing center, na magsasagawa na sana ng mass testing sa kanilang lungsod.

Kahit na tapos na kasi ng Marikina ang kanilang panibagong testing center, hindi pa rin operational ang laboratoryo dahil sa hindi pagsipot ng mga opisyal na nakatakdang tumingin dito.

Dahil diyan, desidido si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na simulan na ang testing sa kanilang lugar sa Biyernes kahit na 'di pa aprubado ng DOH.

Bagama't ang papel sa lehislatura, ang simpleng resolusyon na ito ay hindi inire-refer kay Pangulong Rodrigo Duterte at walang bisa nang gaya sa isang batas— may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

DEPARTMENT OF HEALTH

FRANCISCO DUQUE III

NOVEL CORONAVIRUS

RESIGNATION

RESOLUTION

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with