^

Bansa

Kaso ng COVID-19 umabot nang 5,223 sa unang araw ng 'mass testing'

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng COVID-19 umabot nang 5,223 sa unang araw ng 'mass testing'
Sumasailalim sa COVID-19 testing ang babaeng ito kasabay ng isinasagawang mass testing ng gobyerno laban sa virus.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines (Update 1, 6:41 p.m.) — Hindi pa rin tumitigil ang daily surge ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa Pilipinas sa pagpasok ng unang araw ng mass testing para sa virus, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health.

Ayon sa DOH, nasa 291 kaso ang kumpirmadong naidagdag ngayong Martes, dahilan para tumuntong na ito sa 5,223.

Nasa 335 naman na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID-19 sa pagdagdag pa ng 20, patuloy ng ahensya.

Pinalad namang magnegatibo sa virus ang panibagong 53 cases, kung kaya't naitala na ang 295 total recoverees sa sakit.

Inilabas ng DOH ang mga naturang datos matapos sabihin ng World Health organization na nasa 111,652 na ang namamatay sa virus sa buong mundo.

Ang bilang na 'yan ay bahagi lamang ng 1,773,084  kumpirmadong infections simula nang pumutok ang outbreak na nanggaling sa Wuhan, China.

Paano at sinu-sino ang pwede sa mass testing?

Ipinaliwanag naman ni DOH spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung sinu-sino muna ang maaaring makapag-avail ng malawakang testing para sa COVID-19 sa ngayon.

Aniya, tututukan daw muna sa ngayon ang may mga matataas na risk na magkaroon ng COVID-19.

"Uunahin po nating i-test ang mga pasyente at healthcare workers na may malulubhang sintomas at nasa kritikal na kalagayan," sabi ni Vergeire sa isang virtual briefing.

"Isusunod naman po natin ang ating mga kababayan na may mild na symptoms, maging ang mga taong higit sa 60 years old, may ibang karamdaman at may maselang pagbubuntis."

Matapos niyan, isusunod naman daw sa testing ang mga pasyente't manggagawang pangkalusugan na na "mild" lang ang sintomas, kahit na hindi pa sila bahagi ng bulnerableng saray ng populasyon.

Huli namang ite-test ang mga pasyente, healthcare workers at iba pang frontliners na walang sintomas ngunit may nakasalamuhang may COVID-19.

Ilan sa mga inirerekomendang magpasailalim sa pagsusuri ang mga:

  • may face-to-face contact sa isang confirmed case sa layong 1 metro, sa tagal na 50 minuto
  • nagkaroon ng direktang pisikal na contact
  • direktang nag-alaga ng probable o confirmed case na walang suot na personal protective equipment (PPE)

"Kapag mild lamang po ang inyong mga sintomas, o wala kayong sintomas, wala po kayong exposure o kaya ay wala kayong history of travel sa mga lugar na may community transmission o laganap ang COVID-19, hindi po recommended na sumailalim kayo sa testing," sabi pa ni Vergeire.

Steps bago magpa-test

Hindi naman inirerekomenda ng DOH na agad-agad magpunta sa mga testing centers ang sinuman sa ngayon.

Aniya, mainam na kumunsulta muna sa health center, ospital o iba pang healthcare facility bago magpa-test.

Para sa mga nasa bahay lamang, pwede rin daw tumawag sa mga susunod na numero para sumailalim sa libreng consultations sa:

  • 24/7 telemedicine hotlines: 02-8424-1724/02-7798-8000 (National Capital Region)
  • 1555 at 894 COVID hotlines (labas ng NCR)

"[K]ung base po sa konsultasyon ay kailangan niyong magpa-test agad, ire-refer po kayo nang ating telemedicine doctors sa pinakamalapit na testing center na pwede niyong puntahan para isagawa ang COVID test," sabi pa ng DOH official.

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad