Harry Roque balik bilang presidential spokesperson
MANILA, Philippines — Balik na bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang human rights lawyer na si Harry Roque.
Ito ang kinumpirma kahapon ng ngayo’y presidential spokesman Salvador Panelo na mananatili sa puwesto nito bilang Chief Presidential Legal Counsel.
Idinagdag naman ni Presidential Communications Assistant Secretary Queenie Rodulfo na hahawakan ni Roque ang dati niyang posisyon bilang presidential spokesperson na merong ranggong secretary.
Kinumpirma ni Roque sa isang hiwalay na panayam na epektibo mula kahapon ng hapon ang bago niyang designation.
Nagbitiw noon si Roque sa kanyang puwesto para kumandidatong senador noong nakaraang taon sa kabila ng babala ni Duterte na hindi siya mananalo. Gayunman, iniatras niya ang kanyang kandidatura nang matukoy na meron siyang sakit na “unstable angina coronary disease.”
- Latest