Alaga ng mga 'lockdown sabungero' ipina-adobo ng Valenzuela mayor
MANILA, Philippines — Katay at luto ang inabot ng mga pambatong tandang ng ilang sabungero sa Lungsod ng Valenzuela, matapos hindi sumunod sa mga panuntunang itinatakda ng enhanced community quarantine sa buong Luzon habang talamak ang coronavirus disease (COVID-19).
"So sa mga gusto pa magpatupada dyan i will make sure na mahuli kayo, makulong at maluto na adobo mga alaga niyo," sabi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian habang pinakukuluan ang manok.
"So I suggest wag niyo na ever subukan."
Pinalalambot...
— Rex (@rex_gatchalian) April 12, 2020
Ang tagal pala nito.... pic.twitter.com/R2M9KRXXlL
Umaga nang Linggo nang i-raid ang isang tupadahan, o iligal na sabungan, sa Valenzuela habang nagpapatupad ng lockdown ang gobyerno laban sa nakahahawa't nakamamatay na virus.
Ipinagbabawal pa rin sa ngayon ang mass gatherings at paglabas-labas nang bahay kung hindi kinakaingan, sa pag-iingat na hindi magkahawaan ng COVID-19.
Agad na dinala sa istasyon ng pulis ang mga manok, tari at libu-libong pisong ginamit sa pustahan.
2. Police Station sila dinala... pic.twitter.com/gU3uim3tCq
— Rex (@rex_gatchalian) April 12, 2020
"Pinadala sa Central Kitchen ang mga Chickens. Idadagdag sa mga meals for tonights' operations...nothing will go to waste," sabi pa nang alkalde.
Nagawa pa ng mayor na pahulaan sa netizens kung anong klaseng ulam ang gagawin nila mula sa karne ng mga naturang ibon: "Team Adobo or Team Tinola? Ano kaya plano ni kuya na cook???"
Team Adobo or Team Tinola?
— Rex (@rex_gatchalian) April 12, 2020
Ano kaya plano ni kuya na cook???
So if mahal mo ang pangsabong mo, suggestion lang itago mo sa bakuran mo wag tumulad sa mga nagpatupada this morning....
Update on the finish dish in a while... pic.twitter.com/VkPZFAsZKx
Sa kabila niyan, hindi naman natuloy ihain ang pinakamamahal na alaga ng mga sugalero. Hindi raw kasi pumasa sa standards ng mga nutritionist ng Valenzuela ang ulam.
"Final chapter of the tupada story...Our nutritionists, agri and vet people all decided not to certify the adobo. So abandon na," dagdag pa niya.
Madalas na pinakokonsumo ng sari-saring tipo ng gamot ang mga manok panabong upang manatiling malusog.
Una na noong sinabi ni Department of Justice Secreary Menardo Guevarra na maaaring arestuhin ang sinumang lalabag sa mga panuntunan ng enhanced community quarantine.
- Latest