^

Bansa

DOH: Sa 'worst case scenario,' aabot nang 2021 ang COVID-19 crisis sa Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
DOH: Sa 'worst case scenario,' aabot nang 2021 ang COVID-19 crisis sa Pilipinas
Buhat-buhat ng ilang front liners ang malalaking lalagyan ng disinfectant habang nasa Philippine International Convention Center (PICC), na trinansporma bilang quarantine facility para sa mga COVID-19 patients.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kung hindi masasawata ang mabilis na pagdami ng confirmed coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, maaari raw umabot nang hanggang 2021 ang problema nang pandemic sa bansa, ayon sa Department of Health, Lunes.

'Yan ang sinabi kanina ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire public briefing sa state-run television network na PTV4.

"[A]ng timeline ranged from hanggang third quarter of the year, and maybe, worst case scenario, base sa kanilang pagkakaaral, ay next year po nang January," sabi ni Vergeire.

"[I]to pong ating estimations, galing po 'yan sa ating mga scientists, sa ating mga mathematicians."

Pero paliwanag ng DOH official, estima pa lang ito at mangyayari kung hindi magsasagawa ng mga akmang interventions sa pagkalat ng virus.

Kahapon, umabot na sa 4,648 ang kumpirmadong tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas habang 297 na ang namamatay. Mas mababa naman ang mga bilang ng gumagaling sa 197.

Kasalukuyang nagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon kontra pagkalat ng pathogen, dahilan para isuspinde ang lahat ng pampublikong transportasyon, pasok sa eskwelahan at maraming trabaho.

Tatagal ang nasabing lockdown hanggang ika-30 ng Abril.

Bakuna matatagalan pa

Sa tancha ni Vergeire, maaaring tumagal pa nang husto bago makapag-develop ng vaccine kontra-COVID-19 ang mga dalubhasa.

"[It] would take about maybe six to 12 months, or maybe one year to one and a half years pa ho bago ho lumabas 'yang mga bakuna na dine-develop sa mga iba pong mga bansa," sabi pa ng DOH official.

Habang wala pa ang mga gamot, tanging "physical distancing," pag-iwas sa mga pagtitipon at palagiang paghuhugas nang kamay lang daw muna ang magagamit para makaiwas sa sakit — na siyang napatunayang pamamaraan daw sa mga ibang bansa.

"These are the non-pharmaceutical interventions na kailangang ipatupad para matigil po ang transmission. There are really no evidence-based [claims] na nasa market na bakuna ngayon laban sa sakit na ito," dagdag pa niya.

Ika-8 nang Abril nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring umabot nang dalawang taon ang COVID-19 crisis sa Pilipinas, lalo na kung hindi makagagawa ng lunas: "Ano ang sagot? Vaccine. Walang vaccine, COVID stays," sabi ni Digong sa kanyang late night speech.

Nakatakdang magpatupad ng mass testing laban sa virus simula bukas ang national government, ayon na rin sa anunsyo ni presidential peace adviser Carlito Galvez Jr., na bahagi rin ng National Task Force kontra COVID-19.

2021

DEPARTMENT OF HEALTH

MARIA ROSARIO VERGEIRE

NOVEL CORONAVIRUS

VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with