^

Bansa

COVID-19 cases sa bansa halos 5,000 na habang gumagaling 242 pa lang

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa bansa halos 5,000 na habang gumagaling 242 pa lang
Habang nakasuot ng kani-kanilang personal protective equipment (PPE), sinusuri ng mga otoridad ang temperatura ang mga nakasakay sa mga kotse bilang pag-iingat sa COVID-19.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines —

MANILA, Philippines (Updated 4:48 p.m.) — Hindi pa rin natatapos ang arawang pagdami ng kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa habang papalapit ang kalagitnaan ng Abril, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health.

Inanunsyo ng DOH ang dagdag na 284 COVID-19 cases ngayong Lunes, dahilan para tumuntong na ito sa 4,932.

Nasa 315 naman na ang total number ng mga namatay sanhi ng COVID-19 matapos mapatungan ng 18, sabi pa ng health department.

 

Sinwerte namang makatakas sa kuko ng virus ang 45 pa, habang patuloy na dumarami ang gumagaling sa COVID-19 sa 242.

Umakyat naman sa 105,952 ang bilang ng namatay dulot ng virus sa buong mundo habang 1,696,588 na ang kumpirmadong nahawaan nito simula nang kumalat ang sakit, ayon sa World Health Organization.

'Misting makakasama pa'

Nagbabala naman ang DOH sa mga nagi-ispray ng disinfectant direkta sa mga tao, lalo na't hindi naman daw ito epektibo sa pagpuksa sa COVID-19, ayon sa World Health Organization.

"Ayon po sa WHO, kung iii-spray sa tao, ito ay lalo pang makakasama sa kanilang kalusugan. Kinaklaro po namin ito, dito po, galing sa Kagawaran ng Kalusugan," sabi pa ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire.

Paliwanag pa niya, maaari pa itong magsanhi ng iritasyon sa mga taong may hika o ubo: "[A]ng ginagamit na kemikal sa misting ay hindi nakakabuti sa tao, maging sa mga alagang hayop," sabi pa niya.

Hangga't maaari, sana'y direktang maglinis ng mga surface kung magdi-disinfect.

'Di hamak daw na mas epektibo ito kumpara sa misting. Dapat lang daw itong gawin kung imposible na ang direct cleaning. Dapat din daw na mag-ingat kung lalo na't kung sa saradong environment ito gagawin at kinakailangang may akmang protective gear ang gagawa nito. 

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with