^

Bansa

'Mabilisang pagtanggal ng lockdown peligroso’- WHO

Pilipino Star Ngayon
'Mabilisang pagtanggal ng lockdown peligroso’- WHO
Walang makikita ni isang sasakyan na bumibiyahe sa NLEX sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang World Health Organization na maaaring magdulot ng nakakamatay na pagkalat muli ng bagong coronavirus ang agarang pagtangggal ng lockdown na ipinapataw sa maraming bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na nakikipag-ugnayan ito sa mga bansa para sa paraan kung paano unti-unting matatanggal ang mga lockdown pero mapanganib kung gagawin ito nang mabilis.

“Alam kong ilang bansa na ang nagpaplano ng transisyon mula sa stay-at-home restrictions.Tulad ng iba, nais din ng WHO na maalis na ang mga restriction,” sabi niya sa isang virtual press conference sa Geneva.

Pero ipinahiwatig niya na kung agad-agad na tatanggalin ang lockdown ay baka sumulpot naman muli ang nakakamatay na virus kung hindi maayos na maisasagawa ito.

Tanggap ni Tedros ang mga sign na humihina na ang pagkalat ng virus sa ilang bansa sa Europe na matinding pininsala ng COVID-19 tulad sa Spain, Italy, Germany at France pero nagbabala siya sa mabilis na pagkalat ng virus sa ilang bansa tulad ng sa Africa.

LOCKDOWN

TEDROS ADHANOM GHEBREYESUS

WHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with