^

Bansa

Malacañang: Hindi naman minaliit ni Duterte ang COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Malacañang: Hindi naman minaliit ni Duterte ang COVID-19
Patuloy ang pagsasagawa ng "misting" at "disinfection" ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga kalye ng Paco, Maynila, Miyerkules nang madaling araw kontra COVID-19.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Palasyo ang mga paratang na hindi gaano sineryoso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta ng coronavirus disease (COVID-19) noong nasa maagang yugto pa ito sa Pilipinas.

Mula sa unang kumpirmadong kaso noong Enero, nasa 3,764 na ang may COVID-19 sa Pilipinas at may 177 fatalities.

"Si Presidente noon, sumusunod sa patakaran ng World Health Organization at nangyayari sa kanyang kapaligiran," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, Miyerkules.

"Ayaw niya lumikha ng anxiety at pagkatakot sa ating kababayan."

BASAHIN: Saging hindi gamot sa COVID-19

'Walang kailangang lubhang katakutan'

Pebrero nang sabihin ni Duterte ang sumusunod: "There's nothing really to be extra scared of that coronavirus thing. Although it has affected a lot of countries, but you know, one or two in any country is not really that fearsome."

Matatandaang galing Tsina ang unang dalawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na pinagmulan ng virus. Gayunpaman, paulit-ulit na sinabi ng Palasyo noon na hindi nila nakikitang dapat i-ban ang pagpasok ng mga biyahero mula sa nasabing bansa.

Kalaunan, nagsimulang mag-issue ng travel ban si Digong sa lahat ng Chinese nationals na manggagaling sa probinsya ng Hubei. Kilalang kaibigan ni Chinese President Xi Jinping ang pangulo.

Habang dahan-dahan gumagapang patungong 4,000 ang COVID-19 cases, sa susunod na linggo pa lamang igugulong ang mass testing ng lahat ng patients under investigation (PUIs) at patients under monitoring (PUMs) kaugnay ng sakit.

'Kritisismo gawing suggestion'

Wika ni Panelo, sana'y 'wag daw muna sana maging mainit sa pamahalaan ang mga kritiko dahil "nakaraan na 'yun at ginagawan na ng paraan" ang krisis.

"Yung mga kritisismo...gawin po nating mungkahi para lahat po tayo ay makatulong sa isa't isa," dagdag pa ng tagapagsalita ng presidente.

Kasalukuyang nagpapatupad ng Luzon-wide lockdown ang pamahalaan bilang tugon sa mabilis na pagkalat ng sakit sa bansa, bagay na maaaring umabot daw sa 75,000 sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ayon sa Department of Health kung 'di maaagapan ang pagdami.

Nagkukumahog ngayon ang gobyerno na magtayo ng mga karagdagang quarantine facilities sa Philippine International Convention Center (PICC), World Trade Center, Rizal Memorial Complex, Philippine Arena atbp. para i-house ang mga pasyente.

Naglaan naman na ng P275 bilyon ang gobyerno para sa ayuda at iba pang COVID-19 efforts sa pamamagitan ng Bayanihan We Heal as One Act (Republic Act 11469).

Makikinabang naman sa P5 bilyong budget ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang 1.8 milyong manggagawa sa formal sector, maging mga overseas Filipino workers na nabawasan o walang kita sa ngayon. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with