^

Bansa

Kumpirmado: April 30 lockdown extension aprub kay Duterte

James Relativo - Philstar.com
Kumpirmado: April 30 lockdown extension aprub kay Duterte
Nagtayo ng disinfection station ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga motoristang papasok ng España Boulevard at Quezon City bilang pag-iingat kontra COVID-19.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Update 1, 12:01 p.m.) — Kinumpirma ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Diseases a palalawigin na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon kontra pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) hanggang matapos ang Abril.

'Yan ang sinabi ni Cabinet Secretary at IATF spokesperson Karlo Nograles, Martes, matapos sabihin kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinokonsidera niya ang ideya.

"Opo. 'Yung [ECQ] is up to April 30, 11:59 p.m. Ito po ang rekomendasyon ng IATF kay Pangulong Duterte na tinanggap [niya] at in-announce niya po kagabi," ani Nograles. 

"At pagkatapos po ng kanyang announcement ay vinerify po namin ulit, at ang sagot po ay 'Ang [ECQ] is hereby extended until 11:59 p.m. of April 30.'"

Inilinaw 'yan ni Nograles matapos malito ng marami nang sabihin ni Duterte na "inclined," o seryosong kinokonsidera lang, ng pangulo ang pagpapalawig ng lockdown: "Hindi po. Extended na po," sabi pa niya nang tanungin ng media.

Ayon pa sa kalihim, kahapon lang nang aprubahan nila ang Resolution 21 na nagrerekomenda sa extension, na isa sa dalawang inapruba nila.

Aniya, si Digong na raw ang bahala kung gusto niyang luwagan ang pagpapatupad nito sa ibang lugar o i-exempt ang ilang sektor sa pagsunod dito: "[D]epende sa public health considerations at seguridad ng pagkain."

Dapat din daw magpatuloy pa rin ang social distancing kahit na matapos ang ika-30 ng Abril. Ito raw ang dapat na gawin habang nagtra-transition sa "new normal."

Sa kasalukuyang lockdown, mahigpit na inirerekomenda ng gobyerno na manatili ang lahat ng residente sa Luzon na manatili sa bahay, maliban na lang kung bibili ng pagkain, gamot o gagawa/kukuha ng iba pang mahahalagang bagay.

Sa ilang lungsod, tanging isang miyembro lang nang pamilya ang maaaring lumabas ng bahay para bumili at gumawa ng mahahalagang transaksyon.

Suspendido rin ang pagpasada ng anumang klase ng pampublikong transportasyon sa hilagang kapuluan ng Pilipinas, gaya ng mga jeepney, tricycle, bus, tren, taxi atbp.

Inirekomenda ni Duterte ang "work from home" scheme sa mga opisinang makagagawa nito, maliban sa mga business process outsourcing na kayang bigyan ng pansamantalang tirahan ang mga empleyado.

Ipinasara rin ang maraming trabaho't klase sa ngayon maliban sa mga pagawaan at pamilihan ng pagkain at gamot.

Mangangailangan naman ng "accreditation" ang mga journalists na layong mag-cover ng sari-saring kaganapan habang quarantine period. Gayunpaman, pagbabawalan ang mga mamamahayag na pisikal na pumunta sa Malacañang tuwing may mga talumpati at press briefing. — may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

INTER-AGENCY TASK FORCE ON EMERGING DISEASES

KARLO NOGRALES

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with