^

Bansa

Sapilitang pagpapasuot ng face masks itinulak ng DILG sa LGUs

James Relativo - Philstar.com
Sapilitang pagpapasuot ng face masks itinulak ng DILG sa LGUs
Nalalakad ang nakamaskarang lalaking may bitbit na pinamili habang may nagbababala ang estatwa ni "Kamatayan" kaugnay ng COVID-19.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hinihikayat ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na magpatupad ng kani-kanilang ordinansa pagdating sa pagsusuot ng face masks upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ito ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang pahayag matapos magpasa ng panibagong resolusyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

"Kung maipapasa ng mga LGU ang ordinansa ng mandatory wearing of face mask, dagdag na naman ito sa mga umiiral na hakbang ng pamahalaan sa pagpigil sa pagkalat ng coronavirus sa ating mga pamayanan and right now, we cannot be limiting ourselves to minimal preventive measures," ani Año, Lunes.

Aniya, hindi biro ang coronavirus kung kaya'y mahalagang tiyakin ng mga pamahalaang lungsod na magsuot ng proteksyon ang lahat sa tuwing lumalabas ng bahay.

Bagama't may enhanced community quarantine at naghihigpit ang gobyerno sa paglabas-labas ng bahay, pinapayagan ang pagtungo sa mga pamilihan kung bibili ng pagkain, gamot at iba pang mahahalagang pangangailangan.

"Ito ang maliit na pamamaraan natin para matiyak na hindi kakalat ang virus," sabi pa ng kalihim sa Inggles.

Umabot na sa 3,246 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas habang 152 sa kanila ang binawian na ng buhay, ayon sa Department of Health.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na kulang na pag-iingat ang paggamit ng face mask kung 'di magiging malinis sa katawan at maaaring makalikha ng "false sense of security."

Gayunpaman, naglatag ang WHO ng mga guidelines sa tamang paggamit nito.

Inirerekomenda naman na ng Center for Disease Control and Prevention ang pagsusuot ng mga face coverings, maging ang face mask na gawa sa bahay, upang pabagalin ang pagkalat ng COVID-19.

Sinegundahan naman ng Philippine National Police (PNP) ang utos ng DILG sa mga LGU. Sa ngayon daw kasi, ang tangi lang daw na kayang gawin ng PNP ay pagalitan ang mga taong hindi nagfe-face mask sa labas.

"Sa ngayon, what we can do is to caution them, para sila ay pauwiin or deny them entry sa ating mga quarantine controlled points," sabi ni PLtGen Guillermo Eleazar ng oint Task Force Corona Virus Shield.

Related video:

FACE MASK

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with