^

Bansa

Kaso ng COVID-19 nadagdagan ng 414 habang patay 163 na

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng COVID-19 nadagdagan ng 414 habang patay 163 na
Naglalakad ang isang doktor na naka-face mask sa harap ng isang tarpaulin na nagpapasalamat sa kanilang pakikipaglaban sa COVID-19.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines (Updated 6:38 p.m.) — Hindi pa rin humuhupa ang pagdami ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, Lunes, habang nagpapatuloy ang Mahal na Araw.

Umabot na sa 3,660 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos madagdagan ng 414 panibagong kumpirmadong kaso sa isang araw.

Nadagdagan din ng ang 11 nasawi, kung kaya't 163 na lahat-lahat ang namamatay dahil sa virus.

Sinwerte namang gumaling ang siyam na kaso, kung kaya't 73 na ang total number ng naka-recover.

Sa update ng DOH, sinasabing 41 ang patients under investigation (PUIs) na kasalukuyang nasa ospital mula sa sari-saring rehiyon sa bansa:

Cordillera Administrative Region (1)
Cagayan Valley (1)
Ilocos (1)
Central Luzon (12)
National Capital Region (23)
Calabarzon (1)
Central Visayas (1)
Soccsksargen (1)

Umabot na ng mahigit 23,000 tests ang isinasagawa sa bansa, kasama ang mga retests at validations.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kakailanganin munang suriin ng ahensya ang trend ng COVID-19 infections at kapasidad ng healthcare system ng bansa bago irekomenda ang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) kaugnay ng pandemic.

Lumobo na sa 62,784 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 1,133,758 na ang tiyak na tinamaan nito, ayon sa World Health Organization. — may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with