Kaso ng COVID-19 sa bansa lagpas 3,000 na, patay na umakyat sa 136
MANILA, Philippines (Update 1, 6:46 p.m.) — Parami pa rin nang parami ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, Biyernes, dalawang linggo bago simulan ang mass testing para sa nakamamatay na virus.
Idineklara ng Department of Health ang karagdagang 385 kaso ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 3,018.
Nadagdagan din ng 29 ang panibagong nasawi, kung kaya't 136 na ang kabuuang bilang ng pumapanaw habang nakikipaglaban sa pathogen.
Sinwerte namang maka-recover ang additional na isang pasyente kung kaya't 52 na silang lahat.
Karamihan pa rin sa mga kaso ay mga lalaki.
Kagabi lang nang ianunsyo ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Action Plan (NAP) laban sa COVID-19, na plano nilang simulan ang mass testing para sa virus sa ika-14 ng Abril.
'Yan ay kahit una nang sinabi ng DOH na kulang pa ang testing kits at kapasidad ng Pilipinas para maglunsad nito.
Una nang sinabi ng DOH na tanging ang sumusunod ang pwedeng magpa-test para sa COVID-19:
- patients under investigation (PUI) na may mild symptoms na matanda, may iba pang iniindang kondisyon at immunocompromised
- PUI nasa ospital at may malubha o kritikal na kondisyon
Gayunpaman, aminado ang DOH na tinest din nila ang ilang gobyerno opisyal, kahit walang sintomas, "bilang paggalang."
Sa kabila niyan, idinagdag na rin ang mga health workers na nagpapakita ng "mild symptoms" sa mga maaaring makakuha ng test.
COVID-19 cases overseas 466 na
Samantala, nadagdagan naman ng 18 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagay.
Ito na ang "pinakamababang increase ngayong linggo sa 4%," sabi ng Department of Foreign Affairs sa isang pahayag sa Inggles.
Dahil diyan, 466 na ang lahat ng mga Pinoy abroad na nakakitaan ng virus.
Umabot naman sa walo ang mga gumaling na Pinoy roon, dahilan para maging 129 na ang nagre-recover o nakalabas ng ospital.
Sa kasalukuyang, 316 pa rin diyan ang sumasailalim sa gamutan.
"Sa kasawiang palad, pitong bagong pagkamatay ang naitala sa Americas, Europe at Middle East," dagdag ng ahensya.
Nasa 32 bansa ngayon sa buong mundo ang may Pilipinong nahawaan ng pathogen.
Lumobo na sa 53,000 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 1,014,673 na ang tiyak na tinamaan nito.
Related video:
- Latest