Kasong ‘Fake News’ vs Cavite mayor hindi pa naisasampa
CAVITE, Philippines — Nilinaw ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group na hanggang sa mga oras na ito ay wala pang naisasampang kaso sa korte laban kay Mayor Dino Chua ng Noveleta, Cavite.
Ang paglilinaw ay ginawa matapos na maghain ng reklamo sa Cavite City Prosecutor’s Office ang grupo ni Mayor Bernardo “Totie” Paredes ng Cavite City kaugnay sa umano’y COVID-19 fake news na nagmula kay Chua.
Ayon sa report ng tanggapan ni BGen. Bernard M. Banac, Public Information Officer ng PNP, ang nasabing mga reklamo ay naisumite pa lamang sa Cavite City Prosecutor’s Office noong Marso 27, 2020.
Samantala, sinabi naman ni dating Presidential Spokesman at Atty. Harry Roque, abogado ni Chua, na ang reklamo ay mananatiling reklamo hanggang hindi pa ito naisasampa sa korte.
- Latest