MANILA, Philippines (Update 1, 5:38 p.m.) — Muling nadagdagan ang kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa, Miyerkules, sa pagpasok ng unang araw ng Abril.
Nakapagtala ng karagdagang 227 kaso ang Department of Health ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 2,311 ngayon.
Inanunsyo rin ang walong bagong nasawi, kung kaya't nasa 96 na ang kabuuang bilang ng binawian ng buhay habang nakikipagbuno sa COVID-19.
Narito ang mga panibagong fatalities:
PH692 (ika-89 na namatay)
- 80-anyos na Pinoy mula San Juan City
- walang travel history
- patay noong ika-30 ng Marso
- patay sa: Pneumonia High Risk, COVID-19
- iba pang kondisyon: Hypertension
PH1723 (ika-90 na namatay)
- 70-anyos na Pinoy mula Cebu City
- namatay noong ika-28 ng Marso
- patay sa: Respiratory Distress Syndrome with Multiple Organ Failure secondary to COVID-19 infection
- iba pang kondisyon: Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Coronary Artery Disease
PH1039 (ika-91 na namatay)
- 84-anyos na Pinoy mula Mandaluyong City
- walang travel history
- namatay noong ika-28 ng Marso
- patay sa: pneumonia, COVID-19
PH621 (ika-92 na namatay)
- 77-anyos na Pinoy mula Maynila
- walang travel history
- namatay noong ika-29 ng Marso
- patay sa: Septic Shock, COVID-19 Pneumonia
- iba pang kondisyon: Prostatic Cancer, Chronic Obstructive Pulmonary Disease
PH1811 (ika-93 na namatay)
- walang travel history
- namatay noong ika-23 ng Marso
- patay sa: Acute Respiratory Failure, Community-acquired Pneumonia
- iba pang kondisyon: Hypertension
PH1089 (ika-94 na namatay)
- 65-anyos na Pinay mula Quezon City
- walang travel history
- namatay noong ika-22 ng Marso
- patay sa: Acute Respiratory Distress Syndrome, Pneumonia High Risk
- iba pang kondisyon: Diabetes Mellitus, Cardiac Disease
PH1299 (ika-95 na namatay)
- 73-anyos na Pinoy mula Pasig City
- walang travel history
- namatay noong ika-21 ng Marso
- patay sa: Acute Respiratory Failure, Severe Acute Respiratory Distress Syndrome, High Risk Pneumonia secondary to Viral COVID-19, Septic Shock
- iba pang kondisyon: Myocarditis, Diabetic Ketoacidosis, Acute Kidney Injury, Hypertension
PH415 (ika-96 na namatay)
- 79-anyos na Pinay mula Makati City
- hindi alam ang travel history
- namatay noong ika-28 ng Marso
- patay sa: Acutte Respiratory Distress Syndrome secondary to Community-acquired Pneumonia High Risk, COVID-19 Infection
- iba pang kondisyon: Hypertension, Hypothyroidism
Umabot naman na ng 50 ang gumagaling matapos swertehin ang isang pasyente. Karamihan pa rin ng mga kaso ay mga lalaki.
Pumalo na sa 4,344 ang naisasagawang tests para maamoy ang nakamamatay na sakit sa mga patients under investigation.
Lumobo na sa 36,405 ang pumanaw dulot ng virus habang 750,890 na ang kumpirmadong tinamaan nito, ayon sa huling ulat ng World Health Organization.