Tinamaan ng COVID-19 sa bansa nadagdagan ng 538, kaso sumipa sa 2,084
MANILA, Philippines — Muling nadagdagan ang kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa, Martes, dalawang linggo bago mapaso ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Nakapagtala ng karagdagang 538 kaso ang Department of Health ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 2,084 ngayon.
Ito na ang pinakamalaking pagtalon ng kumpirmadong COVID-19 cases sa isang araw sa kasaysayan ng Pilipinas.
Inanunsyo rin ang 10 panibagong nasawi, kung kaya't nasa 88 na ang kabuuang bilang ng binawian ng buhay habang nakikipagbuno sa COVID-19.
Umabot naman na ng 49 ang gumagaling matapos swertehin ang dagdag na pito kaso.
Samantala, nasa 348 na ang overseas Filipino workers na tinatamaan ng COVID-19 habang siyam na sa kanila ang pumanaw.
Lumobo na sa 33,106 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 693,224 na ang kumpirmadong tinamaan nito.
Abangan ang mga kadagdagang detalye sa ulat na ito
- Latest