Deployment ng nurses sa ibang bansa ipatigil

MANILA, Philippines — Umapela kahapon si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Labor Secretary Silvestre Bello III na pansamantalang ipatigil muna ang deployment ng mga Pilipinong nurses sa ibang bansa kaugnay na rin ng pag­­la­ban ng pamahalaan sa banta ng COVID-19.

 Ito’y matapos na makarating sa kaalaman ni Rodriguez ang ulat na nagpadala ang Germany sa Manila ng eroplano upang isakay ang  tinatayang nasa 75 Pinoy nurses upang ipadala sa Intensive Care Unit (ICU) ng kanilang mga hospital para sa mga Aleman na tinamaan ng nasabing virus doon.

Sinabi pa ni Rodriguez na, sa dami ng mga may sakit na COVID-19, kinakapos na sa mga health worker ang mga pampubliko at pribadong ospital.

Marami na ring mga doktor at nurses sa mga hospital sa bansa ang naka-self quarantine dulot ng exposure sa mga pasyenteng may COVID 19.

Idiniin ng Kongresista na saka na lamang magpadala ng mga nurses at ipa pang mga health workers sa ibayong-dapat kapag napagtagumpayan na ang paglaban sa coronavirus disease.

 

Show comments