Tinamaan ng COVID-19 sa bansa 1,546 na, patay sa sakit umabot ng 78
MANILA, Philippines (Update 1, 5:09 p.m.) — Muling nadagdagan ang kumpirmadong coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa, Lunes, matapos tumuntong ng libo nitong mga nagdaang araw.
Nakapagtala ng karagdagang 128 kaso ang Department of Health ngayong araw, dahilan para umabot na ito sa 1,546 ngayon.
Inanunsyo rin ang pitong bagong nasawi, kung kaya't nasa 78 na ang kabuuang bilang ng binawian ng buhay habang nakikipagbuno sa COVID-19.
"Sa ngalan po ng Department of Health, kami po ay nakikiramay sa lahat ng naulila," sabi ni Health Assistant Secretary Ma. Rosario Vergeire kanina.
Narito ang listahan ng mga pinakabagong kumpirmadong COVID-19 deaths:
PH149 (ika-72 patay)
- 61-anyos na Pinay mula Makati City
- walang travel, exposure history
- ika-27 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Failure secondary to Community-acquired Pneumonia secondary to COVID-19
- iba pang kondisyon: hypertension
PH587 (ika-73 patay)
- 79-anyos na Pinoy mula Muntinlupa City
- walang travel history
- ika-29 ng Marso namatay
- patay sa: Acutre Respiratory Failure secondary to Pneumonia Covid-19
PH647 (ika-74 patay)
- 43-anyos na Pinoy mula Paranaque City
- ika-27 ng Marso namatay
- patay sa: Acutre Respiratory Failure secondary to Pneumonia COVID-19, Myocardial Dysfunction
PH1488 (ika-75 patay)
- 60-anyos na lalaki mula Muntinlupa, hindi pa alam ang nationality
- hindi alam ang travel at exposure history
- ika-26 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Distress Syndrome, Septic Shock, Covid-19
PH1447 (ika-76 patay)
- 45-anyos na Pinoy mula Davao City
- hindi alam ang travel at exposure history
- ika-23 ng Marso namatay
- patay sa: Cardiopulmonary Arrest, Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to Community-Acquired Pneumonia High Risk, Hypoxia
PH1446 (ika-77 patay)
- 59-anyos na Pinoy mula Davao City
- walang travel history
- ika-23 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to Community-acquired Pneumonia High Risk, Hypoxia
- iba pang kondisyon: Cardiac Disease
PH1489 (ika-78 patay)
- 74-anyos na Pinoy mula Quezon City
- hindi alam ang travel at exposure history
- ika-21 ng Marso namatay
- patay sa: Acute Respiratory Distress Syndrome secondary to Pneumonia
- iba pang kondisyon: Hypertension, Diabetes Mellitus
Nananatili naman sa 42 ang sinwerteng nagrecover sa COVID-19.
Sa panibagong tala ngayong araw, pumalo na sa 3,303 ang naisasagawang tests para maamoy ang nakamamatay na sakit.
Hindi rin ligtas sa COVID-19 ang ilang government officials at celebrities, matapos magpositibo kamakailan nina Sen. Sonny Angara at Iza Calzado.
Lumobo na sa 29,957 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 634,835 na ang kumpirmadong tinamaan nito.
Related video:
- Latest