MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng pamunuan ng kanilang baranggay sa Makati si Sen. Manny Pacquiao na manatili na lamang sa bahay at huwag nang lumabas, lalo na't nakasalamuha niya raw kamakailan ang isang senador na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang pahayag ngayong Biyernes, sinabi ng baranggay ng Dasmariñas na person under monitoring (PUM) na ang "Pambansang Kamao" matapos makasalamuha si Sen. Aquilino "Koko" Pimentel, na nagpositibo sa COVID-19 kamakailan.
"Wala ni isa sa bahay niyo ang pwedeng lumabas," sabi ni Dasmariñas Barangay Captain Rossana Hwang sa Inggles.
"Para sa kaligtasan ng pamilya, kabahay at kominidad mo, mag-self-quarantine ka, MANATILI SA BAHAY."
LOOK: Barangay Dasmariñas in Makati tells Senator Manny Pacquiao and whole household to stay home and do self quarantine after viral photo showed him partying with Senator Koko Pimentel. “No one including any of your household can come out.” @PhilstarNews @PhilippineStar pic.twitter.com/S8F3LmF9yA
— Iris Gonzales (@eyesgonzales) March 27, 2020
Kaugnay ng nasabing statement, viral ngayon ang isang video kung saan makikitang nakikipagsosyalan si Pacquiao sa COVID-19 positive na senador.
Hindi pa naman natitiyak kung saan at kailan kinunan ang video na ipinaskil ni Jose Maria Sison, na founding chairperson ng Communist Party of the Philippines.
Ayon pa kay Hwang, rekomendasyon daw ngayon ng mga doktor ng Makati Medical Center (MMC), na kapitbahay din ni Manny, at ng Makati Health Department na panatilihin na lang sa bahay ang boxer-turned-politician.
Pwede naman daw tawagan ni Pacquiao ang baranggay kung kakailanganin nilang kumuha ng mga pangangailangan sa labas: "Pwedeng kami na ang kumuha para sa'yo at dadalhin na lang sa inyong pintuan," sabi pa ng kapitana.
"Maging model citizen ka."
Sa video na ito ng state-owned Radyo Pilipinas, makikitang namamahagi pa si Pacquiao ng mga donasyong face mask sa kapulisan, militar, Department of Health atbp.
PANOORIN | Ceremonial turn-over ng mga facemask na donasyon ni Sen. Manny Pacquiao sa PNP, AFP, DOH, MMDA at RITM, para makatulong sa mga frontliners laban COVID-19. | via Leo Sarne pic.twitter.com/3Hhw9aYh0q
— Radyo Pilipinas (@radyopilipinas1) March 17, 2020
Kanina lang, ipinadala pa ni Pacman ang P400 milyong halaga ng COVID-19 test kits na donasyon ng Tsinong kaibigan na si Jack Man sa San Lazaro Hospital.
LOOK: Sen. Manny Pacquiao turns over P400-M worth of COVID-19 test kits (equivalent to 57,000 units) donated by his Chinese billionaire friend Jack Ma to San Lazaro Hospital infectious disease head scientist Dr. Rongene Solante and representatives from PGH @PhilippineStar pic.twitter.com/6EYCbrNxgO
— Paolo S. Romero (@PaoloSRomero) March 27, 2020
Maliban kay Pimentel, nagpositibo na rin sa COVID-19 sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Sonny Angara.
Umabot na sa 803 ang tinatamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa Pilipinas, kung saan 54 na ang namatay. — may mga ulat mula kay The STAR/Paolo Romero at The STAR/Iris Gonzales