COVID-19 cases 707 na sa Pilipinas, patay umakyat sa 45
MANILA, Philippines (Updated, 5:41 p.m.) — Kinumpirma ng Department of Health na muling nadagdagan ang kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas, habang nasa 45 na ang namamatay.
Inilabas ng DOH ang nasabing datos bandang 4:00 p.m., Huwebes.
Nadagdagan kasi ng 71 bagong infections ang kabuuang bilang ng nahahaan, dahilan para umabot na ito sa 707.
Pito naman ang nadagdag sa mga namamatay kung kaya't 45 na ang pumapanaw.
Makikita ang kabuuang listahan ng mga panibagong yumao rito:
Case # | Sex | Age | Nationality | Travel History/ Exposure | Petsa ng Kamatayan | Petsa ng Lab Confirmation | Ikinamatay | Ibang sakit | Tirahan |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
278 | F | 72 | Pilipino | wala | ika-25 ng Marso | ika-20 ng Marso | septic shock; severe pneumonia; COVID-19 | hypertension; colon cancer | San Juan City |
540 | M | 50 | Pilipino | walang travel history | ika-20 ng Marso | ika-24 ng Marso | acute respiratory failure; community acquired pneumonia high-risk; COVID-19 | diabetes mellitus | Pasig City |
636 | M | 56 | Pilipino | wala | ika-24 ng Marso | ika-25 ng Marso | acute respiratory distress syndrome secondary to COVID-19 pneumonia; acute respiratory failure | hypertension | Pampanga |
600 | M | 87 | Pilipino | walang travel history | ika-14 ng Marso | ika-24 ng Marso | acute respiratory failure secondary to chronic obstructive pulmonary disease (COPD) on top of community-acquired pneumonia, COVID-19 | COPD | Sultan Kudarat |
354 | F | 80 | Pilipino | meron | ika-13 ng Marso | ika-20 ng Marso | acute coronary syndrome / congestive heart failure, severe acute respiratory infection | wala | Rizal |
327 | M | 46 | Pilipino | walang travel history | ika-15 ng Marso | ika-21 ng Marso | acute myocardial infarction, coronary artery disease | hypertension; renal disease | Laguna |
321 | M | 46 | Pilipino | wala | ika-23 ng Marso | ika-21 ng Marso | acute respiratory disease secondary to community-aquired pneumonia; COVID-19 | hypertension | Rizal |
Sa kabila nito, tumaas naman ng dalawa ang bilang ng mga gumagaling sa sakit, kung kaya't 28 na ang total recoveries.
Isang 41-anyos na Pinoy mula sa Lungsod ng Makati ang ika-27 na gumaling sa COVID-19, ayon pa sa COVID-19.
Sinasabing nanggaling sa Japan ang lalaki, na kinilala bilang patient 112, at may nakasalamuhang iba pang kaso.
Ika-21 ng Marso ng palabasin siya ng ospital nang hindi nagpapakita ng mga sintomas habang nagnegatibo na siya ng isang beses.
Samantala, isang 69 taong gulang na Pinoy naman mula sa Lungsod ng Marikina ang ika-28 na recovery.
Hindi siya lumabas ng Pilipinas sa mga nagdaang taon ngunit may nakasalamuhang iba pang COVID-19 case.
Kinilala bilang si patient 28, na-discharge siya sa pagamutan noong ika-22 ng Marso habang asymptomatic at nagnegatibo nang isang beses sa virus.
- Latest