^

Bansa

Ika-2 sa Senado: Koko Pimentel positibo sa COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Ika-2 sa Senado: Koko Pimentel positibo sa COVID-19
"Sinabihan ako kagabi ika-24 ng Marso, 2020, na nagpositibo ako sa COVID-19 virus," paglalahad ni Sen. Koko Pimentel sa Inggles.
Senate PRIB

MANILA, Philippines — Kumpirmadong tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) si Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III matapos ilabas ang resulta ng kanyang test na kinuha noong Biyernes.

Siya na ang ikalawang senador sa Pilipinas na tinamaan ng COVID-19 kasunod ni Sen. Juan Miguel Zubiri.

"Sinabihan ako kagabi ika-24 ng Marso, 2020, na nagpositibo ako sa COVID-19 virus," paglalahad ni Pimentel sa Inggles.

Aniya, ika-11 pa lang ng Marso ay sinubukan na niyang limitahan ang pagkilos-kilos. 

Sisikapin daw ng mambabatas na abutin ang lahat ng nakasalamuha niya sa mga nagdaang araw upang sabihan ng kanyang resulta.

Nai-quarantine na niya ang kanyang sarili matapos payuhan ng doktor, alinsunod na rin sa protocol.

Inilabas ang naturang pahayag matapos umabot sa 552 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa Pilipinas, habang nasa 35 na ang namamatay.

"Humihingi ako ng inyong panalangin, lalo na para sa asawa kong si Kath, na malapit nang manganak sa una naming supling, na hindi ko makakasama sa napakaimportanteng parte ng aming buhay bilang magulang," dagdag pa niya.

"Sa tingin ko, sa tulong ng Diyos, pagaling na ako."

Pinasalamatan naman niya ang lahat ng frontline medical workers sa buong bansa na sumusuong ngayon sa malaking peligro, masawata lang ang pagkalat ng virus.

Muli naman niyang pinaalalahanan ang lahat na sumunod sa social distancing at itinakdang panuntunan ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Humaharap ngayon sa kontrobersiya ang ilang gobyerno opisyal matapos unahing suriin ng mga pagamutan, kumpara sa maraming frontline workers at ordinaryong sibilyan na nakararanas ng sintomas.

Tanging sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Francis Pangilinan na lang ang hindi pa nakakapagpa-test para sa COVID-19 sa Senado, at minabuting mag-self quarantine na lang.

Kasalukuyang naghihigpit ang gobyerno sa paglabas-labas ng bahay habang nananalasa ang pandemic sa kapuluan. Suspendido pa rin ang lahat ng pampublikong transportasyon.

Lunes nang aprubahan ng parehong Senado at Kamara ang "Bayanihan To Heal As One Act" sa ikatlo at huling pagbasa, na magbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang puksain ang sakit sa Pilipinas.

KOKO PIMENTEL

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with