^

Bansa

'Mobile palengke' sa Pasig iginulong kontra-dumog sa talipapa habang may COVID-19

James Relativo - Philstar.com
'Mobile palengke' sa Pasig iginulong kontra-dumog sa talipapa habang may COVID-19
Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, bahagi ito ng pagsusumikap nila na mapaigting ang "social distancing" habang nakakukuha pa rin ng pagkain ang publiko.
Mula sa Facebook ni Vico Sotto

MANILA, Philippines — Literal na umarangkada sa kalsada ang isang palengke sa Lungsod ng Pasig, Martes upang tugunan ang mala-blockbuster na mga pila sa Pasig Mega Market at pamilihan ng pagkain na dagdag risk sa hawaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Kasalukuyang nasa 501 na ang tinatamaan ng nakamamatay na sakit, habang 33 na ang pumapanaw kaugnay ng COVID-19.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, bahagi ito ng pagsusumikap nila na mapaigting ang "social distancing" habang nakakukuha pa rin ng pagkain ang publiko.

"Presyong palengke, mas malapit sa mamimili, at tulong na rin sa mga maninindang Pasigueño (galing sa Mega Market ang bigas, karne, gulay).... #SocialDistancing," sabi ng batang alkalde.

Hinihiling ng "social distancing" protocol na umiwas ang lahat sa matataong lugar, sa pagbe-beso-beso, pagyakap at paghalik, paglayo ng isang metro (tatlong talampakan) mula sa sinumang bumabahing o umuubo para hindi mahawaan.

"Parallel effort dito, namimigay na rin tayo ng food/grocery packs sa mga barangay," dagdag pa ni Sotto.

Sa kabila nito, malaking operations daw ito kung kaya't aabutin pa ng pitong araw bago nila maikutan ang lahat ng pinakamahihirap na lugar sa Pasig.

Inabisuhan din nila ang mga residente na abangan ang schedule ng limang Mobile Palengke na ilalabas ng Pasig Public Information Office.

Tumatanggap ngayon ng papuri ang alkalde dahil sa kakaiba niyang pamamaraan ng pagtugon sa COVID-19 pandemic sa kanilang lugar.

Sa kabila nito, nadelikado siya noon sa Department of the Interior and Local Government nang pansamantala niyang pagayan ang operasyon ng mga tricycle kahit na suspendido ito dapat sa ilalim ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

FOOD SUPPLY

NOVEL CORONAVIRUS

PASIG

VICO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with