Senado, Kamara sanib sa special session

MANILA, Philippines — Nakatakdang magsanib ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para magsagawa ng special session bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ipasa ang mahahalagang panukalang batas.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kabilang dito ay ang supplemental budget para sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemic na COVID-19.

Sinabi ni Cayetano na sa lalong madaling panahon ay magsasanib ang dalawang Kapulu­ngan at dahilan sa banta ng COVID ay ipatutupad ang social distancing protocol.

Sa mga mambabatas na nagsiuwi na sa kanilang mga distrito at constituents ay isasaayos ang lahat para makapagpartisipa ang mga ito sa deliberasyon at makaboto sa mga mahahalagang panukalang batas.

 

Show comments