^

Bansa

Pagbabayad ng ‘income tax’ pagaanin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng House Ways and Means Committee sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na pagaanin ang mga hinihinging kailangan kaugnay sa pagbabayad ng ‘income tax’ na pinalawig hanggang May 15 dahil sa kagipitang dulot ng umiiral na ‘community quarantine’ laban sa Covid-19.

Ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Sarte Salceda, chairman’ ng komite, hinihiling din nila sa BIR na huwag patungan ng ‘penalties’ ang babayarang mga buwis.

Sinabi rin ni Salceda na makakatulong ang ‘electronic filing and payment system’ ng BIR para mapairal ang ‘social distancing’ na kailangan ngayon. 

Pinaiiral na ito sa ilalim ng ‘Large Taxpayer Service’ ng BIR na ginagamit na ng mga 30,000 hanggang 40,000 mga kumpanya na ang buwis na ibinabayad ay umaabot sa 68% ng kabuuang koleksiyon ng ahensiya.

INCOME TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with